ni Riza Zuniga
Apat na mga kilalang mga alagad ng sining ang nagpasimula nito noong 1987. Imelda Cajipe Endaya, Brenda Fajardo, Anna Fer at Julie Lluch, mga kababaihang may natatanging kontribusyon sa sining ng pagpipinta at pag-uukit. Kasama rin sa samahang ito ang mga kababaihang nasa larangan ng pagsusulat at pagganap at kabilang isang madre sa grupo na si Sr. Ida Bugayong.
Sa mahigit na tatlong dekada hindi maisasantabi ang mga pinagpagurang eksibisyon at pagtatanghal sa loob at at labas ng bansa. Hindi rin makakalimutan ang mga naging ambag ng iba pang alagad ng sining katulad nina Baidy Mendoza, June Policar-Dalisay, Alma Quinto, Yasmin Almonte, Ching Abad Santos, Chie Cruz, Fel Plata, Lia Torralba, Lorna Israel, Sandra Torrijos, Virgie Garcia, Fe Mangahas, Cecil Escobar De Leon, Doris Rodriguez, Lorna Israel, Eden Ocampo, Beng Allanigue, Amihan Jumalon, Elaine Lopez Clemente, Lot Arboleda, Aba Lluch Dalena, Lenore Lim, Susan Fetalvero Roces, Rara Carillo, Vida Soraya Verzosa, Esther Garcia, Laura Fermo, Bing Famoso, Yllang Montenegro, Rebie Ramoso, Len Len, Jiyas Morales, Jing Ocampo, Phoebe Almazan, Christine SIoco, Tin Garanchon, Raeche Dacanay, Ida Robles, Inna Naanep-Vitasa, Salvacion Frilles, Cristina Alsol, Clarisa Navidad, Annabelle Cadiz, Dessa Reyes, Leah Zorayna Lim Mylene Regodon at Raj Busmente.
Sa kasaysayan, nagawaran ng pagpupugay ang Kasibulan ng 13th Natividad Galang Fajardo Annual Exhibit on Filipino Women in the Visual Arts sa pagtataguyod ng Ateneo Library of Women’s Writings (ALIWW) noong 2015. Sa katunayan, ang ibang mga sulatin, kasaysayan, mga larawan at rekwerdo ng eksibisyong naisakatuparan ng Kasibulan ay nasa pangangasiwa na ng ALIWW.
Kahit ilang dekada na ang lumipas, ipinagpapatuloy ang misyon ng Kasibulan: mabigyan ang mga miyembro ng pagkakataong makalikha, umunlad at matutong makatindig sa pagsasarili; maisulong ang sining ng kababaihan; mapalawak ang kamalayan sa kultura, ekonomiya, sosyal, at pampulitika ng mga kababaihan sa sining; maisagawa ang pagpapaunlad sa natatanging pagpapahayag ng kababaihan sa salita, simbolo, imahe, mga halaga at paniniwala; mapanatili ang samahan ng mga kababaihan ang turingan ay parang magkakapatid at maiugnay ang samahan sa mas malaking komunidad ng mga alagad ng sining at sa iba’t ibang Samahan ng kababaihan sa loob at lbas ng bansa.
Sa taong 2023, ang mga nailuklok bilang mga opisyal ng Kasibulan ay: Nina Chanco Libatique, PANGULO; Eden Ocampo, PANGALAWANG PANGULO; Yllang Montenegro, INGAT-YAMAN; Diana Santos, KALIHIM; at ang mga Board Members, Laura Fermo, Elaine Lopez Clemente at Riza Zuniga.
Sa muling pagbubukas ng iba’t ibang galeriya at natatanging mga lugar para sa eksibisyon, pinaghahandaan ang pagbubukas ng Art in the Park 2023 sa Makati City, na kung saan malaki ang partisipasyon ng Kasibulan sa pangunguna ni Raeche Dacanay.