IPINAGTANGGOL ANG ANAK, AMA TINODAS

CAVITE – NABARIL at napatay ang isang ama matapos ipagtanggol ang anak sa isang ka- barangay na nanuntok ng baril nitong Lunes ng hapon sa Barangay Salcedo 2, Noveleta sa lalawigang ito.

Kinilala ni Col. Eleuterio Ricardo Jr, Cavite police director ang biktima na si Arjay Ambrad Depano, 30-anyos, residente ng Sitio Tambakan, habang kinilala naman ang suspek na si Joselito Sanosa Mejia, 45-anyos.

Sa ulat ng awtoridad, bago nangyari ang krimen, sinuntok umano ni Sanosa ang binatilyong anak ni Depano nang dahil sa gitgitan sa kalsada.

Umuwi ang binatilyo at nagsumbong sa ama na agad namang pinuntahan ang suspek para kausapin.

Nagtungo aqng biktima sa bahay ng suspek at dito na nagtalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril si Sanosa at binaril nang malapitan si Depano bago mabilis na tumakas.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, matapos ang pamamaril, agad sumakay ang suspel sa isang mini-bus patungo sa direksiyon ng Rosario, Cavite habang ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa ospital. ARMAN CAMBE