(Ipinakakasa sa Kamara)IMBESTIGASYON VS ONLINE JOB SCAMMERS

online job

NAGHAIN ng resolusyon si Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na humihiling na magsagawa ang Kamara ng pagsisiyasat hinggil sa paglipana ng mga online scammer, partikular ang nag-aalok ng pekeng trabaho sa abroad.

Sa kanyang House Resolution 899, nais ni Villar na magkaroon ng “full-blown investigation” ang Lower House upang matukoy, tugisin at mapanagot sa batas ang mga online job scammer na ito.

“There have been countless reports of Filipinos being victimized by local placement agencies for non-existent jobs abroad and syndicates offering high-paying jobs but the jobseeker ends up in a dubious cryptocurrency group,” malungkot na sabi ni Villar.

Kaya naman nagbabala rin ang Las Pinas City lawmaker, lalo sa mga young FIlipino job seeker laban sa modus operandi ng trafficking syndicates na ginagamit ang social media sa kanilang ilegal na gawain.

Kamakailan ay nailigtas ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na biktima ng cryptocurrency ring na nag-o-operate sa ibang bansa, kung saan ang iba sa mga ito ay inalok ng P40,000 monthly salary, o kaya’y $800 hanggang $1,000 subalit ang papel na hawak nila sa paglabas ng Pilipinas ay bilang tourists lamang.

Base pa sa impormasyong nakalap ng tanggapan ni Villar, may ilang nabiktima ang bumalik na lamang ng bansa at hindi natanggap ang suweldong ipinangako sa kanila.

“Stories of Filipinos being victimized into working abroad legitimately but end up working as scammers instead underscore the need for the government to aggressively pursue policies that would better protect them from illegal recruiters and international syndicates,” pagbibigay-diin ng kongresista.

“The Philippine government must ensure the protection of Filipinos and prevent these cases from happening as illegal recruitment puts the lives of our fellow Filipinos at great risk,” dagdag pa ni Villar.

ROMER R. BUTUYAN