ISINUSULONG ni Senador Manny Pacquiao ang paglalaan ng P335 bilyong karagdagang pondo para mas mabilis na makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Senate Bill 2123 o ang Expanded Stimulus Package Act of 2021 ay pagkakalooban ng tulong ang mga pamilya at negosyo na apektado ng pandemya.
Ayon kay Pacquiao, sa pamaamagitan nito ay makatutugon ang gobyerno para sa pangmatagalang solusyon sa mga naapektuhan ng pandemya, lalo na ang mga nasa kanayunan, at maibangon ang ekonomiya.
Idinagdag pa ng senador na ang Expanded Stimulus Bill ang sagot sa mga kakulangan sa maraming pangangailangan na wala pa sa umiiral na batas para tugunan ang epekto ng pandemya.
Sa ilalim ng panukala, ilalaan ang P335-B pondo sa mga sumusunod: P100-B amelioration para sa low-income individuals, households at homeless; P100-B para sa workers’ subsidies; P100-B para sa capacity building ng critically impacted sectors; P30-B sa displaced workers’ assistance; P3-B sa internet allowance ng DepEd K-12 teachers at students; at P2-B sa Commission on Higher Education (CHED) bilang internet allowance ng tertiary level teachers at students.
Ang P335-B Expanded Stimulus Bill ay karagdagan sa COVID response fund na nakapaloob sa Republic Act No. 11494 (Baya-nihan to Recover as One Act) at Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 202. LIZA SORIANO
Comments are closed.