HINILING ni Albay Rep. Joey Salceda sa Civil Service Commission (CSC) na maglabas ng guidelines kaugnay sa work from home scheme sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Salceda, hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga tanggapan sa gobyerno ang pinipilit ang kanilang mga empleyado na pumasok sa trabaho kahit pa maaari naman silang magtrabaho kahit nasa bahay.
Pinaglalabas ng kongresista ang CSC ng mga alintuntunin na susundin ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga empleyado na kinakailangan talagang pisikal na pumasok sa trabaho para punan ang kanilang essential functions at sa mga kawani naman na maaaring mag-work from home.
Inihalimbawa ng mambabatas ang mga pribadong sektor na bihasa na sa pagpapatupad ng work from home scheme.
Sinabi pa ni Salceda na malaki rin ang matitipid ng mga opisina kung papayagan at pananatilihin muna ang ganitong sistema na work from home sa mga empleyado.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba sa 30% hangagng 50% ang working capacity sa mga tanggapan ng gobyerno sa GCQ areas. CONDE BATAC
566924 120710need to do very first? Most entrepreneurs are so overwhelmed with their online business plans that 913226
967493 202024Wohh just what I was seeking for, thanks for putting up. 372569
553189 687874Keep websiteing stuff like this I really am fond of it 909487
117378 547646This is a very good common sense post. Very beneficial to 1 who is just obtaining the resouces about this part. It will undoubtedly support educate me. 233071