CAMP CRAME – SINAKSIHAN kahapon ang activation o pagpapagana ng itinayong Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) na siyang kapalit ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) na ang tungkulin ay ang pangunahing yunit para sa information gathering at magsagawa ng puspusang operasyon laban sa nagkakamaling PNP personnel.
Ang CITF ay dalawang taon ding nagamit ng PNP para i-monitor ang mga pulis na nagkakamali.
Sa nasabing okasyon kahapon, pinangunahan ni Napolcom chairman at Interior Secretary Eduardo M. Año ang inagurasyon bilang guest of honor at speaker sa Camp Crame.
Ang bagong tatag na yunit o grupo ay dinisenyo para sa pagsasagawa ng intelligence build-up at law enforcement operations laban sa PNP personnel na sangkot sa mga illegal activity gaya ng drug trafficking, human trafficking, financial crimes, cybercrime, malversation, graft and corrupt practices, security violations, at iba pa.
Ang kasalukuyang hepe ng nilusaw na CITF ay magsisilbing pinuno ng grupo na may 306 uniformed personnel, 55 police commissioned officers at 251 police non-commission officers.
Si PCol, Romeo Caramat Jr., miyembro ng PMA Tanglaw-Diwa Class of 1992, ang officer-in-charge ng IMEG kasama si PLCol Colonel Ariel Red bilang Deputy Group Commander for Administration.
Susuportahan naman ang IME ng 72-man Company mula sa PNP Special Action Force.
Tiniyak naman ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde na ang mga ia-assign sa IMEG ay qualified.
“We reiterate that police personnel will be assigned or detailed at the IMEG should pass the rigorous background investigation and screening process including neuropsychiatric examination and graduates of Intelligence Course or seminar,” ayon kay Albayalde.
Naniniwala naman ang PNP chief, na magiging sentro ng kanyang administrasyon sa PNP ang disiplina at pagbabago sa hanay ng pulisya kaya naman tuloy ang internal cleansing sa organisasyon.
“As what I have promised when I assumed my post that the centerpiece of my administration is to install organizational discipline and internal reform. Our internal cleansing program will not spare anyone,” ayon pa kay Albayalde. EUNICE C.
Comments are closed.