(Ipinamahagi na ng NHA) P20K CASH AID SA ‘EGAY’-HIT FAMILIES

SINIMULAN na ng National Housing Authority (NHA) ang pamamahagi ng P20,000 cash assistance sa mga pamilya na ang mga bahay ay winasak ng bagyong Egay noong nakaraang buwan.

Batay sa report, may kabuuang 641 pamilya ang tumanggap ng cash aid sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.

Ang NHA ay naglaan ng kabuuang P50 million para sa programa.

Target ng ahensiya na makumpleto ang pamamahagi ng cash assistance ngayong buwan.