Ayon kay Vanessa Abegail Dagdagan, senior aquaculturist sa BFAR Ilocos Norte, paunang 41 mangingisda mula sa Laoag City at Paoay town ang tumanggap ng fuel discount cards.
“The card has PHP3,000 worth of fuel discounts to participating gasoline stations in the province,” aniya.
Halos 600 fisherfolk sa walong coastal towns ng lalawigan ang eligible para sa fuel subsidy program ng national government upang mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng petrolyo.
Sinabi ni Dagdagan na tanging registered fishermen na gumagamit ng legal fishing equipment at nagmamay-ari ng hindi bababa sa tatlong gross tonnage fishing boats ang kuwalipikado sa ilalim ng programa.
Maraming mangingisda sa lalawigan ang napaulat na iniiklian ang kanilang fishing trips dahil sa tumataas na presyo ng langis.
PNA