(Ipinamahagi ng DA) FUEL SUBSIDY SA CORN FARMERS

NAMAHAGI ang Department of Agriculture (DA) ng P3,000 fuel discount o subsidy sa may 450 corn farmers mula sa Baao, Pili, Ocampo at Bula, Camarines Sur.

Ginanap ang distribusyon sa DA 5 covered court noong June 15, 2022.

Isa pang batch ng corn farmers mula sa Iriga City, Bato at Buhi ang pinagkalooban ng kaparehong subsidiya noong June 17 sa isang venue sa Iriga City.

Ang fuel discount cards na naglalaman ng 3,000 ay inisyu ng USSC sa farmer-beneficiaries. Ayon sa DA, ang subsidiya ay maaari lamang gamitin sa pagbili ng gasolina o diesel mula sa mga participating o accredited gasoline stations.

Ang farm machineries para sa fuel discount ay kinabibilangan ng pumps, engine, tractors, combine harvester, at corn shellers.

Para mag-qualify sa fuel subsidy, ang isang corn farmer ay kailangang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) o nakalista sa lFarmers and Fisherfolk Registry System (FFRS).

Ang benepisyaryo o kanyang asosasyon ay dapat ding may machinery na maaaring patunayan ng mga sumusunod na proof of ownership: Certificate of Agricultural and Fishery Machinery and Equipment Registration from LGU; certification mula sa Municipal Agriculture Office na ang farmer/fisher o asosasyon ang may-ari ng machinery; sales/cash invoice/official receipt ng machinery; Memorandum of Agreement kabilang ang Property Transfer Receipt; o deed of donation.

Sa Bicol ay may 3,880 corn farmers ang tatanggap ng P3,000 fuel subsidy para sa kabuuang P11.6M.