(Ipinamahagi ng DA) P379-M AYUDA SA EL NIÑO-HIT FARMERS

MAY kabuuang P379.06 million na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka na apektado ng El Niño phenomenon.

Ayon sa DA, kabilang sa mga ayuda na ipinamahagi ay high-value crops na may less water requirement sa mga apektadong magsasaka sa Iloilo at Negros Occidental na nagkakahalaga ng P990,000.

Gayundin ay namahagi ang DA ng hybrid rice seeds na nagkakahalaga ng P7.87 million at fertilizers na nagkakahalaga ng P7.63 million sa non-vulnerable areas sa Western Visayas para sa maximization ng produksiyon upang matumbasan ang pagkalugi.

“Also, financial assistance from the Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program has been given to 71,795 farmers in Mimaropa Region, with a total amount of P362.56 million,” ayon pa sa ahensiya.

Sinabi ng DA na kabuuang 35 rice at 16 corn farmers sa Ilocos, Central Luzon, at Mimaropa regions ang binayaran ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng kabuuang halaga na  P1.24 million.

Patuloy ring nakikipag-ugnayan ang DA sa mga kinauukulang ahensiya para sa pagkakaloob ng tulong sa mga apektadong magsasaka.

Bukod sa financial, seeds, at fertilizers assistance, sinabi ng DA na ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) nito, sa pakikipagtulungan sa mga  kinauukulang ahensiya tulad ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) at Department of National Defense-Philippine Air Force (DND-PAF), ay nagsasagawa ng cloud seeding operations upang mapagaan ang water shortage, partikular sa agricultural areas sa Southern Cagayan at  Northern Isabela.

“As a result, light to moderate rainfall is experienced over these areas,” ayon sa DA.

Dagdag pa ng DA, naglagay  ang National Irrigation Administration (NIA) ng 570 water augmentation pumps sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, at Western Visayas regions para matiyak na may pagkukunan ng tubig sa naturang mga lugar.

Sa pinakahuling El Niño bulletin ay tinatayang umabot na sa P1.75 billion  ang pinsala sa mga sakahan sa walong rehiyon — Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen— na may  29,437 magsasaka na apektado.

“The affected rice area of 18,651 hectares is 1.94% of the total target area planted of 960,864.48 hectares, while the production loss of 48,332 MT is equivalent to around 0.52% of the target production of 9,218,358.28 MT, both for the dry cropping season this 2024,” anang DA. “As for corn, area affected by the dry spell is at 11,382 hectares or 1.03% of the total target area planted of 1,101,695.90 hectares, while the production loss of 18,966 MT is 0.42% of target production of 4,493,026.90 MT, both for the dry cropping season this 2024.”