(Ipinamahagi ng DOLE) LIVELIHOOD PACKAGES SA SENIORS

MAY 300 senior citizen beneficiaries sa buong Metro Manila ang tumanggap ng livelihood packages mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa suporta ng National Commission of Senior Citizens (NCSC).

Sa pamamagitan nito ay makapagsisimula na ang mga lolo’t lola bilang aktibo at income-earning entrepreneurs.

Sa distribution activity sa Paco, Manila, nitong Biyernes, ang packages na ipinamahagi ay kinabibilangan ng food carts, sewing machines, at bigas.Ayon sa NCSC, ang livelihood packages ay tugma sa kasanayan at interes ng mga benepisyaryo.

“This is a start up [for business] so kailangan lang i-account end of the year, lumago o hindi, kasi kung lumago, dadagdagan pa nga ito eh,” sabi ni NCSC Chairman Franklin Quijano.

Bukod sa pagkakaloob sa kanila ng oportunidad na kumita, sinabi ng NCSC na ang programa ay naglalayon ding gawing produktibong miyembro ng lipunan ang mga senior citizen.

“Kung ang lahat ng seniors ay magkaisa, baka puwede na natin magawa na sila ay katuwang for nation building,” ani Quijano.