KINILALA ang kanilang mahalagang kontribusyon sa biodiesel industry at sa agriculture sector, binigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dalawang coconut farmers cooperatives sa Bicol Region noong Miyerkoles ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P6 million sa Legazpi City, Albay.
Ang Bantonan Community Development Cooperative (BACODECO) sa Camalig, Albay, at ang Maymatan Farmers Multi-Purpose Cooperative (MFMPC) sa Goa, Camarines Sur ay tumanggap ng tig-₱3 million na halaga ng grants.
Ang tulong, na ipinagkaloob sa ilalim ng Social Amelioration and Welfare Program (SAWP) sa Biodiesel Sector, ay tutustos sa Community-based Direct Copra Marketing (CoCo Mark) Project ng mga kooperatiba.
Layunin ng inisyatiba na ito, na binuo sa pakikipagtulungan sa Philippine Coconut Authority (PCA), na suportahan ang mga kooperatiba sa direct trading at paghahatid ng kanilang copra sa biodiesel plants, na titiyak sa competitive product pricing.
Kinatawan ang Labor chief, pinangunahan ni Undersecretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster Benjo Santos M. Benavidez ang ceremonial turnover ng livelihood assistance sa special meeting ng Tripartite Consultative Council (TCC) para sa Biodiesel Sector.
Sa kanyang mensahe sa awarding ng livelihood assistance, sinabi ni Labor Undersecretary Benavidez na patuloy na magkakaloob ang pamahalaan ng angkop na tulong sa Filipino farmers.
“Habang tayo ay patuloy na naglalakbay patungo sa layunin ng pag-angat ng kabuhayan ng ating mga magsasaka, mananatili tayong tapat sa ating adhikain na bigyan sila ng nararapat na suporta. Sama-sama nating buuin ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga komunidad sa agrikultura,” sabi ni Benavidez.
Tinalakay rin sa special meeting ang panukalang financial assistance para sa coconut farmers at farm workers na naapektuhan ng climatic conditions at ang panukalang SAWP projects at interventions na maaaring ma-access ng coconut farmers o workers na nag-aambag sa biodiesel production sa pamamagitan ng livelihood assistance component ng programa.
Ang mga dumalo sa pagpupulong ay sina Bureau of Workers with Special Concerns Director Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, DOLE Bicol OIC Regional Director Imelda E. Romanillos, Feedstock Workers’ Group Representatives Bertito M. Laganson at Armel Amparo, Corporate Feedstock Producers’ Group Representative Julieta G. Maralit, Manufacturers’ Group Representative Ramon C. Taniola, at Plant Workers’ Group Representative Angelo B. Llamas (via Zoom).