(Ipinamahagi ng Landbank, DBP) P8.2-B AYUDA SA 1M RICE FARMERS

MAHIGIT sa P8.2 bilyon ang ipinamahagi ng Land Bank of the Philippines (Landbank) at ng Development of the Philippines (DBP) para sa tig-P5,000 na direct at unconditional cash aid sa mahigit isang milyong kuwalipikadong palay farmers mula 2019 hanggang 2021, ayon sa datos mula sa Department of Agriculture (DA).

Ipinamahagi ng dalawang state financial institutions ang cash aid bilang bahagi ng Rice Farmers Financial Assistance Program (RFFA) ng DA sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL), o Republic Act 11203.

Ang farmer-beneficiaries na tatanggap ng P5,000 cash aid ay kailangang nakarehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Sa ilalim ng RA 11203, ang rice import tariffs na sumobra sa P10 billion na inilaan taon-taon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay maaaring gamitin sa pagkakaloob ng financial assistance sa palay growers.

“The Rice Tariffication Law has achieved its dual goal of bringing down retail rice prices while helping farmers improve productivity through the Rice Competitiveness Enhancement Fund,” pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Noong 2019, ang taon kung kailan sinimulan ang implementasyon ng RTL, sinertipikahan ng BOC ang sobra na P2.135 billion sa rice tariff collection.

Ang nasabing halaga ay tumaas sa P5.5 billion na excess collections noong 2020 at sa P8.9 billion noong 2021, nang makakolekta ang BOC ng P18.9 billion mula sa rice shipments na pumapasok sa bansa.

Mula Marso 2019 hanggang 2021, ang BOC ay nakakolekta ng kabuuang P46.6 billion na rice import duties.

Sa datos ng DA, magmula nang ipatupad ang RCEF, mahigit sa isang milyong rice farmers ang nakatanggap ng mahigit 8.7 million bags ng certified inbred rice seeds na napatunayang mas marami ang naaani kumpara sa traditional home-saved seeds,.