(Ipinamahagi ng Marinduque local gov’t) AYUDA SA ASF-AFFECTED HOG RAISERS

ASF

NAMAHAGI ng tulong pinansiyal ang lokal na pamahalaan ng Marinduque sa mga apektado ng African swine fever (ASF).

Tumanggap ng mula P3,000 hanggang P10,000 ang mga magbababoy, depende kung ilan ang kanilang alagang baboy.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Gov. Presbitero Velasco bilang paunang tulong. Mayroon pa aniyang mga susunod na ayuda mula sa probinsya tulad ng panimulang negosyo gaya ng pagtatanim o pag-aalaga ng iba pang hayop na hindi apektado ng ASF.

Bukod sa mga taga-bayan ng Boac, nabigyan din ng tulong pinansiyal ang mga residente ng Sta. Cruz, Gasan, Torrijos, at Buenavista.

Mula sa limang munisipyo at 12 barangay ay 563 na magbababoy ang makatatanggap ng paunang tulong na sa kabuuan ay nagkakahalagang P2,293,000.

Samantala, nasa probinsya pa rin  ang ilang miyembro ng National ASF Prevention and Control Program upang magsagawa ng disease investigation at surveillance sa buong lalawigan.