(Ipinanawagan ng biz group)EDSA BUSWAY, MAJOR RAIL LINES ISAPRIBADO

Ito ay para mapabuti ang karanasan ng mga commuter sa Metro Manila.

Ipinanukala ng Management Association of the Philippines (MAP) ang pagtataas ng kapasidad ng busway station platforms para ma-accommodate ang mas maraming commuters at magbigay-daan sa sabay-sabay na pagdaong ng mga bus.

Umapela rin ang MAP para sa pagtatayo ng mas maraming istasyon upang maisara ang mga agwat sa pagitan ng mga istasyon at footbridge para masubaybayan ang pagtatayo ng mga nai-donate na footbridge.

Itinulak din ng grupo ang pagdaragdag ng mga sasakyan sa EDSA carousel, MRT-3, LRT-1 at LRT-2, at sa Philippine National Railway (PNR).

“MAP also urged the DOTr to consider the privatization of the EDSA busway and bus service, and urban commuter rail systems, consisting of the MRT3, LRT2 and PNR Commuter lines, under the so-called hybrid mode,” ayon pa sa grupo.

Sa ilalim ng hybrid mode, ite-take over ng private concessionaire ang operasyon at serbisyo, at imamantina ang mga pasilidad sa ilalim ng operate and maintenance (O&M) concession.

Nanawagan din ang MAP kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-isyu ng executive order na magmamandato sa mga relevant agency na sundin ang national transport plan ng 2017.

Sa ilalim ng panukala, sinabi ng grupo na ipaprayoridad ng gobyerno ang mobilidad ng publiko sa pamamagitan ng Public Transportation at Active Mobility tulad ng paglalakad, pagbibisikleta sa pamamagitan ng paglalaan ng mga espasyo sa kalsada para sa naturang mga layunin. May kasamang ulat ng DWIZ 882

Ayon sa MAP, nakahanda silang makipagtulungan sa Department of Transportation (DOTr) at sa iba pang private sector stakeholders upang buuin ang terms of reference (TOR) para sa bidding ng concessions.