UPANG magkaroon ng kapanatagan gayundin ang maengganyo ang mga turista na bumisita sa Pilipinas, dapat umanong magkaroon ng kumpleto at maayos na medical facility sa bawat tourist destination sa bansa
Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes, dapat maglaan ng kaukulang pondo ang Department of Health (DOH) para masigurong ang mga lugar-pasyalan sa iba’t ibang parte ng bansa ay may kaukulang health facility.
“Our goal should be to enhance the overall tourist experience in our country and one of our priorities should be increased investment in safety, health and social services,” pagbibigay-diin ni Reyes.
“If we want to further boost our tourism initiatives, it is imperative that we put more investment in our healthcare system,” dagdag pa niya.
Ayon sa Anakalusugan party-list solon, sa kabila ng tumataas na bilang ng mga local at foreign tourist sa Pilipinas, karamihan sa mga dinarayong lugar ng mga ito ay may kakapusan sa medical facility.
“All of us have encountered stories where a tourist caught in a medical emergency would have to be transported outside of a tourist area just to get proper medical attention,” sabi pa ng mambabatas.
ROMER R. BUTUYAN