NANAWAGAN si Senadora Cynthia Villar sa publiko na sunggaban ang pagkakataong i-revolutionize ang waste management sa pamamagitan ng circular economy approach.
Sa kanyang pagsasalita sa Coffee Club Forum sa Bellevue Manila noong Biyernes, sinabi ni Villar na isa sa mga inisiyatibo nito ang Extended Producer Responsibility (EPR).
Bilang chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, tagumpay na inakda at inisponsor niya ang RA No. 11898 o ang Extended Producer Responsibility Act of 2022.
“The EPR Act mandates large enterprises to take responsibility for the proper and effective recovery, recycling, or disposal of the plastic packaging used on their products after they have been sold and used by consumers,” ayon kay Villar.
“The goal is to cut down non-environmentally friendly packaging, boost recycling, and promote effective waste recovery to mitigate environmental pollution,” dagdag pa niya.
Ayon sa senadora, mababawasan sa EPR ang plastic waste at mapabibilis ang transisyon tungo sa circular economy.
Sa pagpapatupad sa EPR Act, iginiit ni Villar na hakbang ito sa tamang direksiyon.
Ipinagmalaki rin niya na bago pa naging sikat ang konsepto ng circular economy, ginagawa na nila ito sa kanilang waste management practices.
Kasama ang Villar SIPAG, inilunsad nila ang barangay-based livelihood enterprises kung saan ginagawang kapaki-pakinabang ang mga basura na naaayon na rin sa circular economy.
“A circular economy creates a loop and requires us to keep resources in use for as long as possible through reuse, and recycling. It stands in stark contrast to the traditional linear economy, which follows a ‘take, make, dispose’ pattern,” paliwanag ng senadora.
Aniya, hindi lamang nababawasan ang mga basura sa circular economy approach kundi isinusulong din nito ang sustainable growth at preservation ng kapaligiran.
Subalit, aniya, kailangan pa rin ang cooperation at sustainable practices upang pangalagaan ang kapaligiran. ]
-VICKY CERVALES