(Ipinangako ni PBBM) TRABAHO PA SA MGA PINOY

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paiigtingin ang pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng trabaho ang mga unemployed Filipino at ng mas magandang oportunidad ang mga underemployed.

“But even with our current high rate of employment, we must do more. We will generate additional jobs for the remaining 4.3 percent of our workforce, as well as for the 11.7 percent underemployed Filipinos seeking better employment opportunities,” pahayag ng Pangulo sa kanyang ika-2 State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa complex sa Quezon City.

“Under the banner of our fast-growing economy, we are aggressive in our investment and business promotions and facilitations,” dagdag ni Marcos.

Iniulat din ng Pangulo ang pagtaas ng employment rate ng bansa sa 95.7 percent.

“As of May this year, our employment rate rose to 95.7 percent, clear proof of the improvement from the severe unemployment that we experienced during the height of the pandemic. Employment then was at a low of 82.4 percent,” aniya.

Para makamit ito, sinabi ni Marcos na hindi lamang sila tumitingin sa local employment opportunities kundi maging sa ibang bansa.

“For that, we have not limited ourselves to the local economy, but have looked to the global economy for partnerships and agreements,” dagdag pa niya.

-PNA