(Ipinanukala sa gitna ng oil price hikes) P3K BUWANANG AYUDA SA PUV DRIVERS

Gatchalian ang pagkakaloob sa publicutility vehicle (PUV) drivers ng P3,000 monthyly aid sa loob ng limang buwan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“Ang proposal ko P3,000 a month for the next 5 months. That will cost us around P4 billion, which is still cheaper than removing excise tax,” pahayag ni Gatchalian sa isang panayam.

Ginawa ni Gatchalian ang panukala sa harap ng umano’y mabagal na pamamahagi ng pamahalaan ng Pantawid Pasada Program (PPP) cards para sa 377,443 PUV drivers.

Ayon sa senador, ilang PUV drivers ang hindi makuha ang kanilang fuel subsidy dahil sa mahabang proseso para sa documentary requirements.

Ang PPP card ay naglalaman ng P6,500 fuel subsidy, na ayon kay Gatchalian, ay masyado pa ring mababa para suportahan ang PUV drivers at ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ang panukala ni Gatchalian ay para sa mga driver ng jeep, bus, utility vehicle, at taxi.

Nitong Martes ay muling nagpatupad ng taas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis.

Ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.80, diesel ng P3.10, at kerosene ng P1.70.

Inaasahang magpapatuloy pa ang oil price increase sanhi ng nagpapatuloy na Russia-Ukraine crisis.

Sa datos ng Department of Energy, hanggang Hunyo 14, ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P28.70, diesel ng P41.15, at kerosene ng P37.95.