(Ipinanukala sa gobyerno) P10K MONTHLY ALLOWANCE SA MGA NANAY

Presidential Spokesman Salvador Panelo-11

DAPAT pagkalooban ng gobyerno ang lahat ng Filipino mothers ng P10,000 allowance kada buwan, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Ginawa ni Panelo ang panukala kasabay ng pagkilala sa Filipino mothers, na itinuturing na “ilaw ng tahanan”, na siyang namamahala sa mga gastusin sa bahay.

“It is only right to grant a monthly allowance to all moms in the country, as the 1987 Constitution mandates the government to ‘serve and protect’ all Filipino citizens,” wika ni Panelo sa kanyang commentary show Counterpoint.

“Ano ba ‘yung bigyan natin ng P10,000 na regular allowance ang mga ina ng tahanan. Oh, eh ‘di meron silang paglalaanan kung anuman ang gagastusin nila,” aniya.

Hiniling ni Panelo sa mga mambabatas ang pagbuo ng batas na magkakaloob ng monthly allowance sa lahat ng Filipino mothers.

Aniya, saklaw ng kanyang panukala ang mga housewife, single mother, at maging ang working moms.

Binigyang-diin ni Panelo na maraming ina ang dumaranas ng mental health disorders, kung saan ilan sa kanila ay nagpapakamatay dahil hindi na makayanan ang hirap ng buhay.

“‘Yung iba diyan, nagsu-suicide pa dahil walang mapagkukunan ng pera, walang mapag-utangan,” dagdag pa niya. PNA

6 thoughts on “(Ipinanukala sa gobyerno) P10K MONTHLY ALLOWANCE SA MGA NANAY”

Comments are closed.