NAIS alamin ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon kung ilang milyong dolyar ang pinapasok ng mga Chinese national sa bansa.
Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang nasabing komite sa susunod na linggo sa harap na rin ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga Chinese na dumarating sa bansa.
“We’re still preparing for the hearing. Mga next week, I’m going to call a hearing just to start it para may quorum ako. I just said, I’m going to look into it, but I’m not making any judgement,” ani Gordon.
Binigyang-diin ni Gordon na nababahala siya sa ‘inordinate amount of money’ na dinadala ng mga Chinese sa bansa kung saan umaabot na umano ito sa mahigit $180 million para lamang sa buwan ng Disyembre 2019 hanggang ngayong Pebrero ng taong kasalukuyan.
“That’s too much. Sa Hong Kong nila dinadala kasi walang currency control. AMLA (Anti-Money Laundering Act) should check. They declared it, so, dapat lang, i-check nila. It could go to the banking system, it could go to the casino, and how much thousands are being paid by the casinos kung ganyan kalaki ang volume?” diin ng senador.
Base sa record ng Bureau of Customs (BOC), ang mga Chinese na nagdadala ng sobra-sobrang pera ay para lamang sa pag-travel, mag-casino at mag-invest sa bansa.
“This is very alarming. So many foreigners are coming into the country with this huge amount of money. Definitely, this is money laundering. It’s tragic that we have an anti-money laundering law, but our country is used by other people,” giit ni Gordon. VICKY CERVALES
Comments are closed.