(Ipinasuspinde ni PBBM) RECLAMATION PROJECTS SA MANILA BAY

Ipinasuspindi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay.

Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ng Pangulo sa mga lokal na opisyal ng Bulacan.

Ayon sa Pangulo, kailangan na bigyan ng sapat na engineering intervention ang ginagawang reclamation projects.

Sa ngayon ay under review ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isa na itinutuloy ngayon dahil tapos na aniya itong na-review.

Hindi naman binanggit ng Pangulo kung alin sa limang reclamation projects na ito ang nakasupindi at alin ang nagtutuloy.

Sinabi ng Pangulo na marami silang nakitang problema sa mga proyekto, kabilang ang umano’y hindi masyadong magandang patakbo nito.

Aminado ang Pangulo na isa ito sa malaking problema na kailangang ayusin dahil kung matutuloy ang lahat ng reclamation projects na ito ay maraming ilog ang mababarahan dahil wala nang pupuntahan ang tubig.

Maging ang dagat sa Roxas Boulevard sa Maynila ay maari aniyang mawala kapag nagkataon.