INIUTOS ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagpapasara sa 12 pang online lending firms dahil sa kawalan ng lisensiya para mag-operate.
Ito ang ikatlong set ng mga kompanya na sisilbihan ng ‘cease and desist’ order mula sa SEC alinsunod sa reklamo ng mga consumer.
Bukod sa pag-ooperate nang walang lisensiya, sinabi ng SEC na nakatanggap din sila ng report ng ‘abusive collection practices’ mula sa mga consumer, kabilang ang pagpapadala ng text messages sa contacts ng borrowers.
Ayon sa SEC, ang phone contacts ay nakuha ng lender nang ilagay ang app nito sa smartphone ng borrower.
Sa kautusan ng regulator na may petsang Oktubre 10, ang mga pinatitigil ang operasyon ay ang A&V Lending Mobile, Cashaku, Cashaso, Cashenergy, Happy Loan, Peso Pagasa, Phily Kredit, Rainbow-Cash, A&V Lending Investor, A.V. Lending Corp, Vito Lending Corp at Rainbowcash.ph Lending Corp.
Comments are closed.