LAOAG CITY – PANSAMANTALANG ipagbabawal muna ng lokal na pamahalaaan ng Ilocos Norte ang pagbisita o pagdaong ng anumang klase ng cruise ship.
Ito ang nakapaloob sa Executive Order No. 52-20 series of 2020 na inilabas at pinirmahan ni Governor Matthew Marcos Manotoc para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.
Sa nasabing EO, sasailalim sa 14-day quarantine ang mga cruise ship na nanggaling sa mga bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, kailangang magpatupad ng preventive measures sa mga residente na babalik, bibiyahe at mga nanggaling sa mga bansang may kaso ng naturang virus.
Nauna rito, may mga cruise ship na dumadaong sa Ilocos Norte upang makapamasyal ang mga sakay na dayuhan sa mga tourist destinations sa lalawigan.
Nabatid na sa pinakahuling talaan ng Department of Health (DOH), umabot na sa mahigit 2,100 ang mga namatay at mahigit 75,000 na katao ang apektado ng COVID-19.
Comments are closed.