PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ang pag-angkat ng live cattle at buffalo, gayundin ng mga produkto ng mga ito, mula Japan kasunod ng outbreak ng lumpy skin disease (LSD).
Sa isang statement, binigyang-diin ng DA ang kahalagahan ng import ban upang maprotektahan ang local livestock industry mula sa posibleng panganib ng LSD— isang viral disease na pangunahing nakaaapekto sa baka at kadasang nagreresulta sa matinding kumplikasyon o kamatayan.
Ayon sa World Organization for Animal Health (WOAH), ang LSD ay isang sakit ng mga baka na ang sintomas ay lagnat, nodules sa balat, mucous membranes at internal organs, emaciation, enlarged lymph nodes, oedema ng balat, at maging pagkamatay.
“The disease is of economic importance as it can cause a temporary reduction in milk production, temporary or permanent sterility in bulls, damage to hides and, occasionally, death,” ayon sa WOAH said.
Sakop ng import ban ang live animals at mga produkto at by-products ng mga ito, kabilang ang unpasteurized milk at milk products, embryos, skin, at semen ng baka at water buffalos na ginagamit para sa artificial insemination.
Hindi naman kasali sa ban ang mga produkto na nakasusunod sa Philippine import and health standards. Kabilang dito ang skeletal muscle meat, casings, gelatin at collagen, tallow, hooves at horns, blood meal at flour, bovine at water buffalo bones at hides, at pasteurized milk.
Ayon sa DA, iniulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ang LSD outbreak sa World Organization for Animal Health noong November 15, 2024.
MA. LUISA MACABUHAY- GARCIA