ISINUSULONG na ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng daily logging ng time-based recoveries ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na ng instruksiyon si Health Secretary Franciso Duque III sa kanila na magbigay ng mas komprehensibong ulat ng mga pasyenteng gumagaling mula sa COVID-19 sa kanilang inilalabas na daily COVID-19 bulletin at sinimulan na nila itong isagawa.
Matatandaang nitong Lunes at nakalipas na dalawang araw ng Linggo ay nakapagtala ang DOH ng malalaking bilang ng COVID-19 recoveries, na mas mataas sa daily recoveries na karaniwang iniuulat ng DOH.
Nitong Lunes, nakapagtala ang DOH ng 9,266 recoveries, habang noong Abril 11, Linggo, nakapagtala ng 55,204 recoveries habang 72,607 recoveries naman ang iniulat ng DOH noong Abril 18, Linggo.
Ipinaliwanag ni Vergeire na ang malaking bilang ng COVID-19 recoveries na inilabas nitong Lunes at sa nakalipas na dalawang araw ng Linggo, ay dahil sa time-based logging mechanism ng DOH, na inilalabas nila kada linggo.
Nabatid na sa ilalim ng time-based logging mechanism, tina-track ng surveillance units ng DOH ang timeline ng mga kaso ng COVID-19 patients, simula ng unang araw na magpositibo sila sa sakit o mula sa araw na nakaranas sila ng sintomas nito.
Matapos ito, tutukuyin naman kung ang naturang COVID-19 patients ay na-admit sa pagamutan o pumanaw dahil sa karamdaman.
“Ang ginagawa nating time-based logging for recoveries, we do it weekly, kaya napapansin niyo tuwing linggo malaki po katulad last Sunday, (more than) 72,000,” ani Vergeire. “Kung ‘di sila deaths or ‘di sila admitted and lahat po ng walang outcomes na ‘yon, we tag them as recovered. We call it time-based recoveries.”
Inamin din naman ni Vergeire na ang kakulangan sa daily case bulletin reporting ay dahil sa kahinaan ng information systems.
Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na transparent at walang itinatago ang pamahalaan sa ginagawa nilang pag-uulat ng lahat ng COVID-19 data sa bansa.
“Sana po maintindihan ng ating mga kababayan na, we are transparent with our numbers, with the number of recoveries, with the number of deaths, with the number of cases. Kung ano po ang pumapasok sa aming mga datos ‘yon po ang binibigay namin araw-araw nililinis lang po namin,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
876966 787099certainly like your web site however you need to check the spelling on quite a few of your posts. 442241
819762 899808I like this internet site because so a lot beneficial stuff on here : D. 63309
509907 290045Yay google is my king assisted me to locate this outstanding site ! . 566190
490827 433022Is going to be again regularly in order to inspect new posts 749180
28250 392777I just should let you know which you have written an excellent and special post that I really enjoyed reading. Im fascinated by how effectively you laid out your material and presented your views. Thank you. 737626
417118 462645Ive been absent for a even though, but now I remember why I used to really like this site. Thank you, I will try and check back far more often. How regularly you update your website? 597512