(Ipinauubaya sa Turkish government) RE-DEPLOYMENT NG PHIL CONTIGENT SA HATAY

IPAUUBAYA na ng pamahalaan ng Pilipinas sa Turkish Government kung ililipat sa Hatay Province ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Turkiye na kasalukuyang nasa Adiyaman Province.

Ito ang inihayag ni Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro kaugnay ng posibleng re-deployment ng Philippine contingent sa Hatay para tumulong sa paghahanap ng mga nawawalang Pilipino.

Ipinarating na rin ng pamahalaan ng Pilipinas sa Turkish Government ang impormasyon tungkol sa mga nawawalang Pilipino sa Hatay Province.

Sinabi ni Alejandro, isang linggo na lang ang itatagal ng Philippine contingent sa Turkiye alinsunod sa kanilang orihinal na 2 Linggong deployment plan.

Sa ngayon, walang nakikitang pangangailangan na i-extend pa ng isang Linggo ang pananatili ng Phil. Contingent sa Turkiye na dumating sa naturang bansa nitong Pebrero 9. EUNICE CELARIO