IPINILIT ILABAN

SABONG NGAYON

ANG atin pong  mga panlaban kaya natin ipinasok sa conditioning ay dahil nakita natin ‘yung  standard na katangian na ating hinahanap.

“Kung ano ang kanyang  fighting style ay iyon na siya  at wala  ka nang magagawa kung hindi palakasin at pabilisin siya. Sa final selection during sparring/bitaw ay magiging basehan kung alin talaga ang ipapasok mo, kung nakitaan mo siya  ng bagay na hindi mo gusto ay dapat huwag mo na siyang pilitin pang ilaban kahit pa siya  ay multi-winner na tapos ay  ‘di ka kuntento sa ipinakita niya ay dapat ay out nang out kasi nagpakita na nga ng dahilan eh kasi mas magaling pa ang hindi napalaban kaysa napalaban na talo naman,” ang sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Wala naman po ubos ang sabong araw-araw nga ay mayroon. Napakatalas po ng tari at ang palagi pong hanap niyan ay ‘yung nagmamadali kaya sinuman ang sumalubong sa napakatalas na tari kung hindi man patay ay durog naman ang atay!” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Doc Marvin, best time ng training ay mula 4am hanggang 6am kasi masasanay na sila sa ilaw at crop empty na sila.

“May kanya-kanya pong sistema ng pag­hahanda at iyon po ay aking nirerespeto kaya kung ano po ang sistema natin na mayroon ay doon tayo nanalo ay ituloy lamang at ‘wag nang papalitan,” ani Doc Marvin.

“Marami rin po akong alam na pamahiin and other superstitious beliefs at para sa akin ang mga ‘yon ay totoo hindi nga lamang kayang ipaliwanag ng katawang lupa. Totoo at sundin man ang mga kasabihan o pamahiin ay hindi pa rin assurance na mananalo o matatalo ang ating manok na panlaban, sumunod man ako sa pamahiin ay dahil ayaw ko lang ng may dahilan pa,” dagdag pa niya.

Mas matibay, aniya, kung unahin na asahan ay iyong abilidad at ga­ling ng manok dahil ang super galing na manok lamang ang malapit sa suwerte.

“Kung talagang magaling ang manok mo ay dapat kaya niyang ilipad ang lahat ng pamahiin o kasabihan at kaya po tinatawag  na magaling na manok ay dapat  siya ay nanalo sa labanan,” ani Doc Marvin.

Comments are closed.