IPO DAM BINUKSAN

IPO DAM

BULACAN-NAGPAKAWALA ng tubig ang Ipo Dam kahapon.

Batay sa abiso ng PAGASA Hydrometeorology Division, dakong alas-4 ng hapon ay nagsagawa ng spilling operation ang pamunuan ng Ipo Dam na ng tinatayang nasa 47 cubic meter per second ang pinakawalan.

Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagtaas ng tubig sa Ipo Dam na posibleng umabot sa maximum water level bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Rolly.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA, nasa 100.58 meters na ang water level ng Ipo Dam na malapit na sa 101 meters na normal high water level nito.

Kasunod nito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga mababang lugar at katabi ng Angat river sa posibilidad ng pagtaas ng tubig.

Kabilang dito ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baluiag, Pulilan at Hagonoy. DWIZ 882

Comments are closed.