BAGO pa man manalasa ang bagyong Ompong sa Metro Manila, nanalasa ang buhawi o ipo-ipo sa Marikina City pasado ala-6 ng gabi noong Biyernes.
Viral din sa social media ang biglang pagkawala ng supply ng koryente sa isang kasalan na unang inakala na ang pagbagsak ng baso ay dahil sa umano’y nasagi ng bata.
Subalit nahintakutan ang lahat ng mawalan ng liwanag habang sa kuhang video ng isang John Clyde Palacios, buhawi ang tumama.
Samantala, ligtas ang dalawa katao na nakoryente nang mabuwal ang poste ng koryente na tinamaan ng buhawi.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, naapektuhan ng buhawi ang cultural center ng lungsod at nasira ang bubong nito habang nabuwal din ang dalawang puno ng Acacia sa JP Rizal, Brgy. San Roque at Sta. Elena.
Kahapon ay naibalik na rin ang supply ng koryente habang hindi naman ligtas ang mga residente roon sa paghagupit ng bagyo dahilan para tumaas ang Marikina River na umabot sa 16.5 meters as of 4PM kahapon kaya naman itinaas ang 2nd alarm.
Aabot naman sa 1,000 residente ang lumikas dahil sa pagtaas ng ilog. AIMEE ANOC
Comments are closed.