AURORA- BINAWI na ng mga dating rebelde at ng mga miyembro ng indigenous Peoples(IPs) ang suporta sa mga kalaban ng Estado na New Peoples Army sa lalawigang ito.
Ito ay matapos ilunsad ng ibat-ibang People’s Organizations (POs) ang isang Peace Rally sa harap ng Munisipyo ng San Luis sa Aurora.
Kabilang dito ang Association Solo Parents Association (ASPA), Samahan ng Magsasaka ng Camalatan Nonong Sr., Nagkakaisang Mamamayan sa Dicaluyongan Association, Masaganang Perlas ng Silanganan ng Aurora Province Association at Sambayanan Association.
Bitbit ng mga IP ang mga placard na nakasaad ang pagtuligsa sa Communist Terrorists (CTs) o mas kilala sa tawag na NPA.
Ayon kay Lt. Col. Julito Recto Jr., Commander ng 91IB na nag-withdraw na nang suporta ang ibat-ibang organisasyon sa mga rebelde.
Sinabi naman ni Maj. Gen. Andrew D. Costelo, Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army na ang pag-withdraw ng suporta ng IPs at iba pang organisasyon ay bunsod nang pinaigting na programang makatutulong sa mga pagpapaunlad ng mga komunidad. THONY ARCENAL