IRAN GUMANTI NA SA US (US military base sa Iraq binomba)

Iran airstrike

TINOTOO  ng Iran ang bantang gaganti sa Amerika matapos masawi sa airstrike si General Qassem Soleimani.

Magkakasunod na airstrike ang bumagsak sa Ain Al-Assad Military Base kung saan naroroon ang mga sundalo ng Amerika.

Inako ng Islamic Revolutionary Guard Corps, ayon sa report ng Iran News Agency na Fars News Agency, ang res­ponsibilidad sa nasabing pag-atake.

Makikita sa video na inilabas ng Fars ang magkakasunod na airstrike sa Al-Assad Base na pinakamalaking US military base sa Iraq.

ALL IS WELL–TRUMP

Agad namang nag-post sa kanyang twitter account si US President Donald Trump na: “All is well! Missiles launched from Iran at two mili-tary bases located in Iraq. Assessment of casualties & damages taking place now.”

“So far, so good!” e have the most powerful and well equipped military anywhere in the world, by far! I will be making a statement tomor-row morning,” ang pahayag ng US President.

PLANE CRASH SA TEHRAN, 176 SAKAY PATAY LAHAT

Ilang oras matapos ang air strike ng Iran ay  bumagsak naman ang isang eroplano   malapit sa airport sa Tehran sa Iran.

Patay ang lahat ng 176  sakay ng Ukrainian plane, kabilang dito ang mahigit sa 60 Canadian, tatlong British nationals  at karamihan ay Iranian.

Batay sa ulat, nag-crash ang Boeing 737-800 jet matapos mag-takeoff sa Imam Khomeini International Airport.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng mechanical problem ang sanhi ng aksidente.

Kasunod nito ay ipinagbawal muna ng US Federal Aviation Administration (FAA) ang paglipad ng eroplano sa Persian Gulf, Oman Sea, Iraq at Iran upang  maiwasan na maging target sa tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Nakasaad sa inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) ang patuloy na pagbabantay ng FAA sa sitwasyon sa Middle East  at patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng FAA sa national security partners nito.

Comments are closed.