NEW YORK- ANG nakababatang kapatid na si Irene Marcos Araneta ang magsisilbing special representative ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa state funeral ni Queen Elizabeth II.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, makakasama ni Araneta ang kanyang asawa na si Gregorio Maria Araneta III.
“Mrs. Marcos- Araneta ang her spouse will be attending the events for the state funeral beginning with the Lying-in -State of the Queen taking place today,” pahayag pa ni Cruz Angeles.
Pumanaw si Queen Elizabeth II sa edad na 96 noong Setyembre Setyembre 8 at pinalitan ito ng kanyang anak na si King Charles III.
Si Pangulong Marcos ay kasalukuyang nasa New York para sa anim na araw na working visit upang dumalo sa ika 77th Session ng United Nations General Assembly (UNGA). EVELYN QUIROZ