NAISAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naisapinal ang IRR matapos ang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang.
Matapos ang IRR, agad na itatag ang corporate structure para agad na maging operational na ang MIF.
“The Implementing Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized.
Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, getting the MIF up and running,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang ipinangako ng Pangulo na aarangkada ang MIF bago matapos ang taong kasalukuyan. EQ