MAYNILA – TINIYAK ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mabilis na mabubuo ang implementing rules and regulations (IRR) ng Expanded Maternity Leave Law na nagtatakda ng karagdagang maternity leave benefit sa mga kababaihang manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.
“Mayroon kaming 90 araw upang mabuo ang IRR pero hindi tatagal ng ganoon dahil nais naming mabuo ito sa loob lamang ng 45 hanggang 60 ar-aw. Isa ito sa mga pangunahing batas kaya desidido ang kagawaran na agarang mabuo ang IRR upang maipatupad na ang batas,” wika ni Bello.
Una ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Act bilang batas noong Pebrero 20, 2019 na nagbibigay ng 105 ar-aw o tatlong buwang bayad na maternity leave para sa mga babaeng manggagawa sa gobyerno at sa pribadong sektor sa kabila ng civil status o legitima-cy ng magiging anak nito.
Sinabi pa ni Bello na ang batas ay hindi lamang tagumpay para sa mga manggagawang ina at kanilang pamilya, kung hind imaging sa buong sektor ng paggawa upang iangat ang karapatan ng mga kababaihan sa trabaho, maging ang pagkakaroon ng mga karagdagang benepisyo para naman sa man-agement sector na magreresulta sa pagiging produktibo ng kanilang mga manggagawa.
“Ang pagbibigay sa mga manggagawa ng pinabuting paid leave ay isa sa mga istratehiya upang mabalanse ang kalusugan sa trabaho na maaaring magresulta sa mas mataas na kalidad ng trabaho,” wika ni Bello.
Bukod sa DOLE, ang Civil Service Commission at Social Security System ay naatasan ring bumuo ng kanilang IRR para sa epektibong implemen-tasyon ng batas na sumasaklaw sa lahat ng kababaihang manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor.
Ang mga babaeng manggagawa ay maaari ng gamitin ang Expanded Maternity Leave makaraan ang 15 araw nang pagkakalathala ng IRR sa mga pahayagan na may general circulation. PAUL ROLDAN
Comments are closed.