INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Irrigation Administration (NIA) na maglagay ng irrigation systems para sa lahat ng municipalities sa Occidental Mindoro, lalo na sa mga bayan ng San Jose at Magsaysay para lumakas ang agricultural production.
Sa kanyang talumpati habang namamahagi ng iba’t ibang government assistance sa Occidental Mindoro, tinukoy ni PBBM ang epekto ng El Niño phenomenon sa agriculture sector ng lalawigan na nakaapekto sa livelihood ng mga magsasaka.
“Kaya’t nandito, kasama rin natin— hindi umakyat sa stage, nandiyan si— ang National Irrigation— ayan, si Eddie Guillen, taga amin po ito pero siya’y nailagay natin sa irrigation at marami po tayong plano,” anang Pangulo.
“Mayroon po tayong pinaplano na dam na ilalagay para makoberan (cover) hanggang San Jose, Magsaysay, at mapatubigan na. Para naman kahit na mahina ang ulan ay mayroon pa tayong makukuhanan ng tubig,” diin ng Punong Ehekutibo.
Bukod sa irrigation water mula sa dams, bibigyan din ng pamahalaan ang mga magsasaka ng solar-powered pumps para sa patubig sa hard-to-reach upland areas.
Tinukoy rin ang importance ng irrigation system sa agricultural production, at sinabi rin ang complete provision ng fertilizer, pesticides, farm equipment, iba pang inputs, optimum output ay hindi makakamit kung kapos sa tubig.
“Kaya’t ‘yun ay babaguhin natin. Dahil alam naman po natin sa ating mga magsasaka, ang puno’t dulo, lalong-lalo na pagka palay ang pinag-uusapan, ang puno’t dulo nitong lahat ay patubig,” anang Pangulo.
Kabilang naman sa ipinamahaging assistance ng Department of Agriculture (DA) ay ang P3,000 fuel subsidy sa 393 farmers; P5,000 each sa 1,153 affected farmers sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance; P5.1 million sa 193 farmers sa ilalim ng El Niño Indemnification Fund; at P77.5 million na Survival and Recovery Aid loans.
Iniabot din ng NIA ang P7.38 million na halaga ng operations and maintenance subsidy sa dalawang irrigators’ associations (IA) at Certificate of condonation and exemption na nagkakahalaga ng P18.48 million sa isang association. EVELYN QUQUIROZ