IRRs NG TATAK PINOY, INTERNET TRANSACTIONS LAWS PIRMADO NA

PINANGUNAHAN ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual noong Miyerkoles ang paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRRs) ng Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act at Internet Transactions Act (ITA), mga batas na magta-transform sa Philippine e-commerce landscape at magsusulong sa Filipino products at services sa global scale.

Sa signing ng  IRRs sa tanggapan ng DTI sa Makati City, binigyang-diin ni Pascual ang kahalagahan ng mga batas na ito sa pagsusulong ng digital economy ng bansa at pagsuporta sa local industries.

Isinabatas noong Dec. 5, 2023, ang ITA ay nagpapakita sa commitment ng pamahalaan sa pagpapayaman sa masiglang digital economy sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga regulasyon upang matiyak ang data privacy, product standards, safety compliance, at iba pang pagtalima sa environmental sustainability sa digital commerce.

“I am confident that this law and the IRR will positively revolutionize e-commerce in the Philippines. By fostering trust in online transactions, we are creating more opportunities for high-quality and better-paying jobs, aligning with President (Ferdinand R.) Marcos Jr.’s vision of a digital and future-ready Bagong Pilipinas,” sabi ni Pascual.

Isa sa key features ng ITA ay ang pagtatatag ng E-Commerce Bureau, na dinisenyo upang gabayan ang maayos na pagsusulong sa e-commerce sa bansa.

Tiniyak ni Pascual sa publiko na hindi hahadlangan ng regulasyon ang paglago ng e-commerce, na, aniya, ay nananatiling itinutulak ng pribadong sektor.

“All we need to do in government is to ensure that this development is orderly with our regulatory function,” aniya. said.

Isinabatas noong Feb. 26, 2024, ang IRR para sa Tatak Pinoy Act ay nilagdaan din.

Layon ng Tatak Pinoy Law na mapalawak ang Philippine-made products and services, isulong ang kalidad at competitiveness sa global market.

“Tatak Pinoy is a significant step in growing, diversifying, and sophisticating Filipino products and services, as this law addresses current challenges and aims to enhance the productivity and competitiveness of industries in the global market,” ayon kay Pascual.

Tinukoy niya ang datos mula sa  Atlas of Economic Complexity upang bigyang-diin ang potensiyal para sa mabilis na paglago sa pagpapalawak ng range ng high-quality products and services.

“Para sa Pilipinas, ang ating mga pangunahing export ay kinabibilangan ng mga high-value na produkto tulad ng electronics at mga kumplikadong makinarya at iba pa (For the Philippines, our main exports include high-value products such as electronics and complex machinery),” sabi pa ni Pascual.

“Kahit na nakamit na natin ang patuloy na paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalawak sa mga bagong produkto, ang kasalukuyang bilis ng paglawak na ito ay hindi sapat upang magkaroon ng malaking epekto sa paglago ng kita ng bawat tao (Despite achieving continuous economic growth through the expansion into new products, the current pace of expansion is insufficient to significantly impact income growth per capita),” dagdag pa ni Pascual.

(PNA)