IRVING PUMUTOK SA PANALO NG NETS VS MAGIC

NAITALA ni Kyrie Irving ang 41 sa kanyang career-high 60 points sa record-setting first half ng Brooklyn upang pangunahan ang Nets sa 150-108 panalo kontra host Orlando Magic Martes ng gabi para sa kanilang ika-4 na sunod na panalo.

Ang kauna-unahang  60-point game ni Irving, na bumura sa kanyang dating career-high na 57 laban sa San Antonio noong 2015, ay tinampukan ng 20 field goals sa 31 attempts. Nagtala rin siya ng 8-for-12 mula sa arc at 12-for-13 sa foul line tungo sa kanyang ika-6 na career performance na may  50-plus points.

Tumipa si Kevin Durant, galing sa 53-point performance kontra New York Knicks noong Linggo, ng 19 points at 7 assists sa wire-to-wire victory ng Nets. Ang final three points ni Irving ay nagmula sa isang triple sa left wing, may 8:32ang nalalabi.

Ababte ang Brooklyn sa 86-56 sa halftime — isang franchise record para sa points sa isang half — sa likod ng  48-point first quarter kung saan gumawa si Irving ng 16 points at bumuslo ang Nets ng  74.1 percent (20-for-27).

Ang Orlando, na natalo ng tatlo sa apat na laro sa Brooklyn ngayong season, ay pinangunahan ni Cole Anthony na may 19 points at 7 assists. Nagdagdag sina Wendell Carter Jr. ng 18 points at 7 rebounds, Moe Wagner ng 17 points at Franz Wagner ng 16 points.

HEAT 105, PISTONS 98

Umiskor si Tyler Herro ng 29 points mula sa bench at naitala ni Max Strus ang lahat ng kanyang 16 points sa fourth quarter upang pangunahan ang host Miami laban sa Detroit.

Nagdagdag si Bam Adebayo ng 16 points, 8  rebounds at 3  assists para sa Miami at kumubra si Duncan Robinson ng 12 points. Na-outscore ng Heat ang Pistons, 37-25, sa fourth quarter at 35-14 sa free throw line.

SUNS 131, PELICANS 115

Kumana si Devin Booker ng 27 points at tumulong sa pagpapasabog ng 3-pointers nang gapiin ng bisitang Phoenix ang New Orleans.

Naipasok ni Booker ang 4 sa 9 na 3-point attempts at nagtala si Mikal Bridges ng 4 of 5 habang umiskor ng 20 points para sa Suns, na tumapos na 18 of 34 mula sa  arc. Ang Phoenix ay umiskor ng mahigit  30 points sa bawat quarter.

Kumubra si Herbert Jones ng  22 points upang pangunahan angNew Orleans, na natalo sa ika-5 pagkakataon sa anim na laro.

Sa iba pang laro ay tinambakan ng Grizzlies ang Pacers, 135-102.