ISA NA LANG SA ATENEO

Ateneo

ANTIPOLO – Tinambakan ng Ateneo de Manila University ang National University, 88-51, upang lumapit sa sweep sa elimination round sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center dito.

Naitala ng Bulldogs ang unang basket sa laro subalit iyon na rin ang huli nilang kalamangan.

”This was satisfying. Two weeks in a row, we’ve come out with a great attitude,” wika ni head coach Tab Baldwin matapos ang laro.

Makaraan ang layup ni JV Gallego sa pagsisimula ng laro, bumanat ang defending champions ng 11 unanswered points sa pagsasanib-puwersa ng apat na players.

Naging 18-4 response ito, tampok ang triple ni Gian Mamuyac upang tuluyang makontrol ng Eagles ang laro.

Pinalobo ng Ateneo ang bentahe sa hanggang 37 points mula sa reverse layup ni Troy Mallillin.

Tumipa si Ange Kouame ng  17 points, 13 rebounds, 3 blocks, at 3 assists habang gumawa si Thirdy Ravena ng 15 points, tampok ang isang dunk, 4 rebounds at 3  dimes.

Bahagi rin si Ravena ng depensa na kinabibilangan nina Mamuyac at  BJ Andrade na naglimita kay National U top gun Dave Ildefonso sa dalawang puntos lamang sa 1-of-5 shooting.

“Sure we put points on the board and made some shots, but I think what we really focused on was our defense,” ani Baldwin.

Sa panalo ay umangat ang Blue Eagles sa 13-0  kartada upang lumapit sa  elimination round sweep.

Kapag nanalo kontra University of the Philippines  sa Miyerkoles sa MOA Arena ay awtomatiko silang uusad sa Finals at maipupuwersa ang stepladder playoffs.

Iskor:

Ateneo(88) – Kouame 17, Ravena 15, Tio 9, Wong 8, Belangel 7, Mamuyac 5, Nieto Mi 5, Andrade 4, Daves 4, Go 4, Mallillin 4, Chiu 3, Maagdenberg 3, Nieto Ma 0

NU (51) – Ildefonso S 21, Gallego 9, Tibayan 8, Minerva 4, Clemente 3, Gaye 2, Ildefonso D 2, Rangel 2, Diputado 0, Galinato 0, Joson 0, Malonzo 0, Mangayao 0, Mosqueda 0, Oczon 0, Yu 0

QS: 22-12, 44-27, 65-36, 88-51

Comments are closed.