ISA NA LANG SA BUCKS

bucks vs suns

NAGSANIB-PUWERSA ang star trio ng Milwaukee Bucks na sina Giannis Antetokounmpo, Jrue Holiday, at Khris Middleton upang pataubin ang Phoenix Suns sa Game 5, 123-119, at lumapit sa NBA title.

Kumana si Antetokounmpo, ang two-time NBA MVP, ng 32 points, 9 rebounds, at 6 assists upang pangunahan ang Milwaukee. Nagdagdag si Middleton ng 29 points, 7 rebounds, at 5 assists habang tumirada si Holiday ng 27 points at game-high 13 assists bukod pa sa 3 tsteals.

Abante ngayon ang Bucks sa best-of-seven 2021 NBA Finals series, 3-2, makaraang manalo ng tatlong sunod. Inangkin ng Suns ang unang dalawang laro sa serye.

Kinailangan ng Bucks na pigilan ang paghahabol ng Suns sa krusyal na sandali, kung saan tinapyas ng Phoenix ang double-digit lead sa fourth quarter sa isang puntos lamang,  120-119, may 56 segundo ang nalalabi.  Subalit may sapat na plays ang Bucks sa natitirang oras para selyuhan ang panalo.

Nagbuhos si Devin Booker ng 40 points para sa Suns habang tumipa si Chris Paul ng double-double na may 21 points at 11 assists.

Maagang lumamang ang Suns nang magpasabog para sa 37-21 lead sa first quarter sa likod ng 11 points ni Booker.

Subalit agad na nabura ang kalamangan sa second quarter nang magtuwang sina Brook Lopez at Holiday upang itala ang unang 11 sa 16-3 run ng Bucks na nagdikit sa kanila sa laban. Isang back-to-back threes mula kina Pat Connaughton at Holiday ang nagtabla sa laro sa 42-all.

Pumasok ang dalawang koponan sa half na abante ang Milwaukee sa 64-61.

Sa kabila ng scoring exploits mula kay Booker, na umiskor ng 12 sa unang 14 ng Suns sa third quarter, naitala ng Bucks ang double-digit lead matapos ang  7-0 run na naglagay sa talaan sa 85-75.

Napanatili ng Bucks ang bentahe hanggang sa kalagitnaan ng fourth quarter bago pinamunuan ni Paul ang rally ng Suns kung saan lumapit sila sa 117-110, may 3:16 ang nalalabi.

Sumagot si Middleton ng dalawang krusyal na baskets para sa Bucks, subalit nabuhay si Booker at kumana ng isang layup at isang tres upang tapyasin ang bentahe ng Bucks sa tatlong puntos,  120-117.

3 thoughts on “ISA NA LANG SA BUCKS”

  1. 346873 867332Definitely price bookmarking for revisiting. I surprise how much effort you set to make this kind of great informative web site. 347629

Leave a Reply

Your email address will not be published.