KUMAMADA si Khris Middleton ng 22 points, 8 rebounds at 5 assists upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 113-84 panalo laban sa host Miami Heat sa kanilang first-round NBA playoff series noong Huwebes.
Umabante ang Bucks sa series, 3-0, at sisikaping walisin ang Heat sa Sabado sa Miami.
Nakalikom si Giannis Antetokounmpo ng 17 points at 17 rebounds para sa Bucks, at nagdagdag si Jrue Holiday ng 19 points at 12 assists.
Ang Miami, nakapasok sa 2020 NBA Finals, ay pinangunahan ni Jimmy Butler na may 19 points, 8 rebounds at 6 assists. Nag-ambag si Bam Adebayo ng 17 points, 8 rebounds at 4 assists.
Na-outscore ng Bucks, ang top offensive team sa NBA, ang Miami ng 63 points sa nakalipas na dalawang laro.
LAKERS 109,
SUNS 95
Sa likod ng isa na namang matikas na laro, pinulbos ng host Los Angeles Lakers ang Phoenix Suns para sa 109-95 panalo at kunin ang 2-1 series lead sa opening round ng NBA playoffs.
May 7,500 fans ng Lakers ang nanood kung saan naging hosts ang Staples Center sa isang playoff game ng Lakers sa unang pagkakataon magmula noong 2013.
Nanguna si Anthony Davis para sa Lakers na may 34 points at 11 rebounds. Nagdagdag si LeBron James ng 21 points, 9 assists at 6 rebounds. Nagtala si Dennis Schroder ng 20 points at 4 assists.
Nanguna si Deandre Ayton para sa Suns na may 22 points — ang kanyang ikatlong sunod na laro na may hindi bababa sa 20 points. Tumipa si Devin Booker ng 19 points at gumawa si Cameron Payne ng 15 points.
NUGGETS 120,
BLAZERS 115
Nagbuhos si Nikola Jokic ng 36 points, naitala ni Austin Rivers ang 16 sa kanyang 21 points sa fourth quarter, at ginapi ng bisitang Denver Nuggets ang Portland Trail Blazers, 120-115, sa Game 3 ng kanilang Western Conference first-round series.
Kumabig si Michael Porter Jr. ng 15 points, umiskor si Aaron Gordon ng 13 at nag-ambag si Facu Campazzo ng 11 para sa Nuggets, na kinuha ang 2-1 bentahe sa serye.
Nakatakda ang Game 4 sa Sabado ng hapon.
Nagbida si Damian Lillard para sa Portland na may 37 points, tumipa si CJ McCollum ng 22, nagtala si Norman Powelll ng 18, nag-ambag si Carmelo Anthony ng 17 at tumapos si Jusuf Nurkic na may 13 points at 13 rebounds.
773053 189077Thank you for your fantastic post! It has long been extremely beneficial. I hope that you will proceed sharing your wisdom with us. 869994