ISA NA LANG SA CELTICS

Jayson Tatum

NAGBUHOS si Jayson Tatum ng 31 points at nagdagdag si Jaylen Brown ng 30 at napigilan ng Boston Celtics ang late rally ng Dallas Mavericks para sa 106-99 panalo sa  Game 3 ng NBA Finals noong Miyerkoles ng gabi.

Sa pagkopo ng commanding 3-0 lead sa serye, ang  Boston ay dumikit sa kanilang ika-18 titulo sa franchise history. May pagkakataon ang Celtics na makumpleto ang sweep sa Game 4 sa Biyernes.

Bumawi ang Tatum makaraang magtala lamang ng pinagsamang  34 points sa Games 1 at  2. Nagdagdag si Brown ng 8 rebounds at 8 assists para sa Boston, na nakakuha rin ng 16 points mula kay Derrick White. Hindi naglaro si big man Kristaps Porzingis (lower leg) makaraang ma-injure sa third quarter ng Game 2.

Tulad ni Tatum, bumawi rin si Kyrie Irving para sa lackluster showing  sa unang dalawang laro sa serye, at pinangunahan niya ang Mavericks na may game-high 35 points. Nagtala si Luka Doncic ng  27 points, 6 boards at 6 assists, subalit na-foul  out siya, may 4:12 ang nalalabi sa laro.

Mukhang tapos na ang laban nang isalpak ni White ang isang 3-pointer, may 11:07 ang nalalabi sa fourth quarter, upang bigyan ang Celtics ng 91-70 kalamangan.

Subalit humabol ang Dallas at naitala ang 28 sa sumunod na 37 points upang makalapit sa  100-98 kasunod ng dunk ni Dereck Lively II, may 1:20 ang nalalabi.

Gayunman ay siniguro ni Brown na hindi makakatabla ang Mavericks  at ang kanyang mid-range jumper sa ibabaw ng  key ay nagbigay sa Celtics ng four-point lead, may  1:01 sa orasan.  Kapwa nagmintis sina P.J. Washington at Irving sa  3-point attempts down the stretch bago ang dalawang free throws ni White at dalawa pa mula kay Tatum upang lapatan ng finishing touches ang panalo.

Na-outshoot ng Boston ang Dallas, 46.3 percent sa 44.2 percent, sa laro.