ISA NA LANG SA HOTSHOTS; BEERMEN TUMABLA

TINAMBAKAN sa kanilang huling laro, gumanti ang San Miguel Beer at muling itinabla ang kanilang PBA Philippine Cup semifinal series laban sa TNT sa pamamagitan ng 116-90 panalo kahapon sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Matapos ang masinsinang pag-uusap kasunod ng ensayo noong Sabado, buong bangis na naglaro ang Beermen at dinurog ang Tropang Giga upang ipatas ang serye sa 2-2.

Magsasagupa ang dalawang koponan para sa krusyal na 3-2 lead sa Game 5 sa Miyerkoles.

“We’re embarrassed in Game Three and I wasn’t able to get to sleep. At nagkaroon kami ng emosyonal na paguusap,” wika ni San Miguel coach Leo Austria.

Dinibdib ang  98-115 pagkatalo noong Biyernes, bumawi ang Beermen at nakaiwas na mabaon sa 1-3.

“We limited our turnovers this time. Turnovers ang culprit sa dalawang talo namin. Imagine giving away 29 points on turnovers and giving away 27 points on second-chance production,” ani Austria.

Nalimitahan ng Beermen ang kanilang sarili sa 18 errors at na-outplay ang TNT na patuloy na hindi nakasama si Kelly Williams, pagkatapos ay nawala ang isa pang key stalwart, sa katauhan ni Poy Erram, na naaksidente sa kaagahan ng second quarter.

Isinugod si Erram sa kalapit na ospital habang nagpapatuloy ang laro nang masaktan makaraang madaganan ang  6-foot-8 center ng humaharurot na si Moala Tautuaa.

Ngunit bago pa man mawala si  Erram, ang San Miguel ay nakalayo na,  39-19, sa mainit na simula nina  June Mar Fajardo, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross at  Marcio Lassiter.

Nag-ambag sina Tautuaa, Terrence Romeo at  CJ Perez mula sa bench.

Nanguna si Tautuaa na may 25 points at 9 rebounds, habang pawang nagdagdag sina Romeo, Cabagnot, Lassiter, Fajardo, Santos at  Perez ng double-digit markers.

“The key was we played as a team,” sabi ni Tautuaa.

“In the first three games, we were always playing catch-up. What we wanted in this game was a good start, and we’re able to do that,” ani

Austria.

“And we’re so focused on defense. That’s the key, everybody stepped up,” dagdag ni Austria.

Samantala, lumapit ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok sa finals makaraang pulbusin ang Meralco Bolts, 81-69, sa Game 4 ng kanilang sariling best-of-seven semifinals series.

Umangat ang Hotshots sa 3-1 at maaaring umusad sa championship round sa pamamagitan ng panalo sa Game 5 sa Miyerkoles. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro

SMB (116) – Tautuaa 25, Romeo 16, Lassiter 13, Fajardo 13, Cabagnot 12, Santos 11, Perez 10, Ross 7, Pessumal 4, Zamar 3, Gamalinda 2, Gotladera 0, Comboy 0, Sena 0.

TNT (90) – Castro 15, Khobuntin 13, M. Williams 11, Rosario 10, Exciminiano 8, Mendoza 6, Heruela 5, Montalbo 4, Alejandro 4, Erram 3, Marcelo 3, Reyes 2, Pogoy 2, Williams 0.

QS:  26-14, 57-32, 91-61, 116-90

Ikalawang laro

Magnolia  (81) – Barroca 17, Abueva 17, Sangalang 17, Jalalon 10, Lee 9, Ahanmisi 5, Dionisio 4, Corpuz 1, Reavis 1,  Dela Rosa 0.

Meralco  (69) –  Hugnatan 21, Hodge 13, Newsome 11, Quinto 7, Pinto 6, Belo 3, Pasaol 3, Baclao 3, Maliksi 2, Caram 0.

QS:  23-18, 46-35, 68-50, 81-69.

7 thoughts on “ISA NA LANG SA HOTSHOTS; BEERMEN TUMABLA”

Comments are closed.