OAKLAND, California – Naitala ni Kawhi Leonard ang 17 sa kanyang 36 points sa decisive third quarter, at umiskor si Serge Ibaka ng 20 points mula sa bench upang pangunahan ang Toronto Raptors sa 105-92 panalo laban sa Golden State Warriors sa Game 4 ng NBA Finals noong Biyernes ng gabi.
Nalimitahan ng malagkit at double-teaming defense ng Toronto si Warriors star Stephen Curry sa 2-for-9 shooting sa 3-pointers sa pagkatalo na nagbaon sa two-time defending champions sa 3-1 hole sa best-of-seven series.
Tatangkain ng Raptors na makopo ang unang NBA championship sa home sa Game 5 sa Lunes ng gabi (Martes sa Manila). Isang koponan lamang ang nakabawi 3-1 deficit upang magwagi sa Finals— ang Cleveland laban sa Golden State noong 2016.
Sa pagwawagi sa ikatlong sunod na pagkakataon Oakland ngayong season, kabilang ang isa sa regular season, bumangon ang Toronto mula sa 11 puntos na pagkakabaon sa first quarter nang ma-outscore ang Warriors, 93-69, sa huling 37 minuto ng laro.
Ang pinakamalaking paghahabol ng Raptors ay naganap sa third period, kung saan pumutok ang kanilang opensa at nagdagdag ng 37 points sa kanilang 42-point halftime total at kinuha ang kalamangan na hindi na nila binitiwan.
Nagsimula ang paglayo ng Raptors sa 3-pointer ni Ibaka na bumasag sa pagtatabla sa 61-all, may 4:00 ang nalalabi sa third quarter.
Tinapos ng Toronto ang nasabing periosd sa 18-6 run, at naitala nina Leonard (11) at Ibaka (7) ang lahat ng kinakailangang puntos na nagbigay sa Eastern Conference champs ng 79-67 bentahe.
Napangalagaan ng Raptors ang kalamangan sa kabila ng pagkawala ni key reserve Fred VanVleet dahil sa isang cut sa ilalim ng kanyang ka-nang mata na kinailangang tahiin, may 9:35 sa orasan.
Gamit ang nakasasakal na depensa ay napigilan ng Toronto ang anumang paghahabol ng Golden State, at pinalobo pa ang kalamangan sa 16 sa kaagahan ng final period
Ang 36 points ni Leonard ay produkto ng 11-for-22 shooting overall at 5-for-9 accuracy sa 3-pointers. Ito ang kanyang ika-14 na 30-point game sa postseason at ikatlong sunod sa third Finals. Kumalawit din siya ng game-high 12 rebounds.
Naitala ni Ibaka, na may kabuuang 18 points lamang sa unang tatlong laro ng serye, ang kanyang pinakamalaking playoff output magmula nang umiskor ng 23 sa first round noong nakaraang season laban sa Washington.
Nagdagdag si Pascal Siakam ng 19 points at gumawa si Kyle Lowry ng 10 para sa Raptors, na umangat sa 4-0 sa Game 4s ngayong season.
Nanguna si Klay Thompson, nagbalik mula sa one-game absence dahil sa strained hamstring, para sa Warriors na mayn28 points sa11-for-18 shooting. Naipasok niya ang anim sa kanyang 10 3-point attempts.
Tumapos sinCurry, nagbuhos ng 47 points sa pagkatalo ng Golden State sa Game 3, na may 27.
Kumamada si Draymond Green ng 10-point, 12-assist double-double, at nag-ambag si Kevon Looney, nagbalik mula sa shoulder injury, ng 10 points para sa Warriors.
Muling naglaro ang Golden State na wala si standout forward Kevin Durant, na maaaring magbalik mula calf injury sa Game 5.