ISA NA LANG SA SKIPPERS

Skippers

Laro sa Miyerkoles:

(Cuneta Astrodome, Pasig)

Game 2, Best-of-3 Finals

1 p.m. – BRT Sumisip Basilan-St. Clare vs Marinerong Pilipino

NALUSUTAN ng Marinerong Pilipino ang late rally ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare upang kunin ang 69-59 panalo sa Game 1 at lumapit sa 2019 PBA D-League Foundation Cup title kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tanging si Rev Diputado ang player na tumapos sa double figures na may 12 points para sa Skippers na kinuha ang 1-0 lead sa best-of-three championship series.

Gayunman ay hindi kuntento si coach Yong Garcia sa panalo, lalo na nang makahulagpos sa Marinerong Pilipino ang 19-point halftime lead, 43-24, at bumaba pa ito sa pitong puntos.

“’Yun ang naging problema namin before at lumabas ulit,” aniya. “Dapat pagdating ng Game 2, hindi kami dapat parang roller coaster. Dapat mag-stick kami sa gameplan namin.”

Nagdagdag si Eloy Poligrates ng 9 points, 7 assists, 4 steals, at 2 rebounds para sa Skippers, habang nakalikom si Will McAloney ng 9 points at 4 boards.

Sisikapin ng Marinerong Pilipino na kunin ang kanilang kauna-unahang korona sa Game 2 sa Miayerkoles sa Cuneta Astrodome.

Nanguna si Jhaps Bautista para sa BRT Sumisip-St. Clare na may 17 points, habang nag-ambag si Malian Pare ng 14 points at 12 rebounds.

Iskor:

Marinerong Pilipino (69)  — Diputado 12, Poligrates 9, McAloney 9, Santillan 8, Alabanza 6, Rios 6, Ayonayon 4, Clarito 4, Mangahas 4, Yee 4, Villarias 3, Sara 0.

BRT Sumisip Basilan-St. Clare (59) – Bautista 17, Pare 14, Fontanilla 7, Hallare 7, Gabo 5, Collado 3, Dumapig 3, Batino 2, Manacho 1.

QS: 21-8, 43-24, 54-41, 69-59.