Laro sa Huwebes:
(San Andres Sports Complex)
2:30 p.m. – LSGH vs Letran
DUMIKIT ang Letran sa pagtuldok sa 22-year championship drought sa 85-81 panalo kontra CSB-La Salle Green Hills sa Game 1 ng NCAA juniors basketball Finals kahapon sa San Andres Sports Complex.
Makaraang magmintis sa kanilang unang 17 three-pointers sa unang tatlong periods, nakuha ng Squires ang kanilang rhythm mula sa arc sa final quarter, nagtala ng 4-of-7 na bumali sa likuran ng Greenies.
Kumana si June Silorio ng career-high 27 points, 7 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag si Andy Gemao ng 21 points, 14 rebounds, 5 assists at 3 steals para sa Letran.
Sisikapin ng Squires na masungkit ang korona sa Game 2 sa Huwebes, alas-2:30 ng hapon, sa parehong Manila venue. Huling nagwagi ang Letran ng high school crown noong 2001 sa likod ni Jay-R Reyes.
Malaki rin ang naging kontribusyon ni George Diamante para sa Letran na may double-double outing na 12 points at 17 boards na sinamahan ng 5 assists at 4 blocks.
Batid ni first-year coach Allen Ricardo na hindi pa tapos ang trabaho para sa Squires.
“Meron pa tayong unfinished business,” sabi ni Ricardo.
Iskor:
Letran (85) — Silorio 27, Gemao 21, Diamante 12, Manalili 9, Alforque 4, Anabo 4, Baliling 3, Hugo 2, Navarro 2, Cruz 1.
LSGH (81) — Pablo 22, Alian 14, Gagate 12, Ison 10, Mesias 10, Rivero 6, Gomez 5, Romero 2, Zaragosa 0.
QS: 17-22, 41-44, 65-64, 85-81.