ISA NA LANG SA ‘TROPA’

Laro bukas:
(Araneta Coliseum)
5:30 p.m. – Ginebra vs TNT

DUMIKIT ang TNT sa kanilang unang PBA Governors’ Cup crown makaraang pataubin ang Barangay Ginebra, 104-95, sa Game 5 kagabi sa Araneta Coliseum.

Sinamantala ng Tropang Giga ang biglaang paglabas ni Barangay Ginebra import Justin Brownlee na masama ang tiyan dahil sa food poisoning para itakas ang panalo.

Tumabo si Rondae Hollis-Jefferson ng 32 points, 16 rebounds, at 10 assists para sa Tropang Giga, na kinuha ang 3-2 lead sa best-of-seven finals. Hindi naglaro si Brownlee sa malaking bahagi ng second half.

Naglaro ng conference-low 25 minutes, si Brownlee ay sandaling naglaro sa third quarter bago lumabas at hindi na bumalik.

Wala si Brownlee, kinumpleto ng TNT ang paghahabol mula sa 15-point deficit, na nilapatan ni Hollis-Jefferson ng finishing touches sa pagtala ng kanyang ikatlong triple-double sa conference.

Walong unanswered points ni John Pinto ang naglapit sa Ginebra sa 93-94, ngunit sinindihan ni Hollis-Jefferson ang win-sealing 10-2 run.

Isinalpak ni Hollis-Jefferson ang isang layup, pinasahan si Poy Erram upang makumpleto ang triple-double, at muling umiskor upang bigyan ang Tropang Giga ng 100-95 kalamangan, wala nang tatlong minuto sa orasan.

Ipinasok nina Jayson Castro at Erram ang back-to-back buckets sa huling dalawang minuto upang selyuhan ang panalo para sa TNT.

Kumubra si Calvin Oftana ng 20 points at 8 rebounds, habang nagdagdag si Mikey Williams ng 15 points, 4 rebounds at 3 assists.

Tumapos si Brownlee na may 14 points at 4 rebounds.

CLYDE MARIANO

Iskor:
TNT (104) – Hollis-Jefferson 32, Oftana 20, M. Williams 15, Khobuntin 10, Castro 10, Erram 10, K. Williams 5, Montalbo 2, Marcelo 0.
Barangay Ginebra (95) -Standhardinger 29, Pinto 18, Brownlee 14, Thompson 12, Gray 10, Malonzo 6, Pringle 6, J.Aguilar 0, Mariano 0.
QS: 28-26, 49-61, 81-79, 104-95.