ISA NA LANG SA ‘TROPA’, BOLTS TUMABLA

Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Magnolia
6 p.m. – San Miguel vs Meralco

SUMANDAL ang Meralco sa mainit na first at third quarters upang durugin ang San Miguel Beer sa Game 4, 111-97, at itabla ang kanilang best-of-seven semifinals series sa 2-2 sa PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Nasayang ng Bolts ang19-point lead sa first half ngunit muling lumayo sa third quarter tungo sa panalo.

Nanalasa sa loob at labas, naitarak ng Bolts ang hanggang 22 puntos na kalamangan at nakumpleto ang krusyal na panalo.

Isang balansiyadong laro na may limang players na umiskor ng double figures ang naging sandigan ng Bolts upang maiganti ang 96-91 pagkatalo sa Game 3 noong Linggo.

Nanguna si Aaron Black na may 21 points habang nag-ambag sina Allein Maliksi (19), Cliff Hodge (18), Raymond Almazan (17) at Bong Quinto (11) upang punan ang walong puntos lamang na naitala ni Chris Newsome.

Ayon kay coach Norman Black, susi sa kanilang panalo ang pag-iskor ng kanilang big men.

“We’re trying to take advantage of what we saw in Game 3. We made the adjustments on how to attack their defense because their defense has been pretty good so far in the series. And it worked out for us,” sabi ni Black.

“Offensively, we were able to go to our bigs, our bigs had a lot of confidence tonight. They took their shots, they made their shots, Raymond especially, and that was the key,” dagdag ni Black.

“We saw in Game 3 that they (the Beermen) were actually leaving our bigs wide open. They have to make sure they have confidence to take the shots when they come.”

At ginawa ito ng Meralco big men sa larong ito, upang tulungan ang Bolts na mapalakas ang finals bid.

Gumawa sina Hodge at Almazan, at kasama si Kyle Pascual ay na-neutralize si June Mar Fajardo.

“Maganda ang preparasyon sa aming ng mga coaches namin. At naniwala kami na kung tulong-tulong mai-stop namin si June Mar,” sabi ni Almazan.

Tumipa sina Fajardo ng 21 points, CJ Perez ng 24 at Marcio Lassiter ng 23 para sa Beermen na tiyak na babawi sa Game 5 sa Biyernes.

Sa ikalawang laro, lumapit ang TNT sa isa pang finals appearance makaraang pataubin ang Magnolia, 102-84, sa Game 4 ng kanilang best-of-seven semifinals series.

Ang panalo ay nagbigay sa Tropang Giga ng 3-1 lead sa series.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Unang laro:
Meralco (111) – Black 21, Maliksi 19, Hodge 18, Almazan 17, Quinto 11, Newsome 8, Baclao 4, Belo 4, Hugnatan 3, Jose 2, Pascual 2, Banchero 2, Pasaol 0, Caram 0, Johnson 0.
San Miguel (97) – Perez 24, Lassiter 23, Fajardo 21, Manuel 9,Brondial 9, Canete 4, Zamar 3, Cruz 2, Tautuaa 1, Pessumal 1, Ross 0, Enciso 0, Herndon 0.
QS: 36-23, 58-53, 88-71, 111-97
Ikalawang laro:
TNT (102) – Erram 19, Pogoy 18, M. Williams 15, Rosario 15, Castro 9, Khobuntin 9, Reyes 6, K. Williams 4, Cruz 3, Alejandro 2, Ganuelas-Rosser 2, Montalbo 0, Marcelo 0.
Magnolia (84) – Sangalang 19, Lee 17, Dionisio 14, Reavis 7, Barroca 5, Dela Rosa 4, Jalalon 4, Wong 4, Abueva 4, Corpuz 2, Brill 2, Zaldivar 2, Ahanmisi 0, Laput 0, Escoto 0.
QS: 18-15, 42-38, 70-54, 102-84