(Isa nang heinous crime) P5-M MULTA, ‘LIFE’ SA BANK HACKING

bank hacking

ISA nang heinous crime ang paggamit ng access devices para makapandaya at may mabigat na kaparusahang naghi-hintay sa mga mapatutunayang nagsagawa nito.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11449 may kaakibat na parusang habambuhay na pagkabilanggo at multang aabot sa 5-milyong piso ang mapatutunayang sangkot sa pangha-hack sa sistema ng bangko gayundin ang skimming ng credit at payment cards.

Nakasaad sa section 10 (G) kaparehong parusa rin ang naghihintay sa sinumang mapatutunayang nasa skimming o pagkopya ng bank details at pagnakaw ng laman ng hindi bababa sa 50 payment cards, credit cards, debit cards at online banking accounts.

Ayon sa bagong batas, maituturing na economic sabotage ang ganitong uri ng krimen kung kaya’t mas mabigat na kaparusahan ang

Ito’y matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11449 na magpapataw ng mas mabigat na kaparusahan na itinatakda ng paglabag sa  Access Devices Regulation Act of 1998.

Samantala, pagkakulong na mula anim hanggang  20 taon ang kahaharapin ng mga nandaya ng credit cards at iba pang access devices depende sa rami ng kanilang nabuksan at  nagamit at sisingilin ang mga ito ng penalty madoble sa halaga ng kanilang ninakaw mula sa mga access devices.

Nilagadaan ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang batas noong Agos­to 28,2019  at magiging epektibo makalipas ang 15 araw matapos na official publication sa mga pahayagang may general circulation. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.