CAVITE – KASALUKUYANG inoobserbahan sa ospital ang isang lalaking nagpanggap na miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) matapos na kumasa sa lehitimong pulis sa General Trias City.
Sa ulat ng PNP-PRO4-A, isang nagngangalang “Lawrence” ang nakarating sa tanggapan ng HPG na nagpapanggap na isang miyembro ng kanilang unit, suot ang uniporme kasabay ng pangingikil sa mga driver sa kalsada.
Nitong Miyerkules ganap na alas-10:30 ng gabi, naaktuhan si Lawrence na suot ang uniporme ng HPG at may jacket pa ng National Bureau Investigation (NBI) sa Parklane Subd., Barangay San Francisco nang sitahin ito ay sinuntok nito si Chief Master Sergeant Erlan Demate sa mukha.
Nakipagbuni si Lawrence kay Demate na nagresulta sa pagpapaputok ng baril na tumama sa dibdib ng suspek.
Dinala ang pekeng pulis sa pinakamalapit na ospital para sa agarang serbisyong medikal.
Ang pekeng alagad ng HPG ay napag-alaman na isang buko vendor.
Nahaharap ngayon ang suspek sa patung-patong na kaso.
SID SAMANIEGO